2 Cronica 30:22-24
Ang Biblia (1978)
22 At si Ezechias ay nagsalitang may kagandahang loob sa lahat na Levita (A)sa mga matalino sa paglilingkod sa Panginoon. Sa gayo'y nagsikain sila sa buong kapistahan sa loob ng pitong araw, na nangaghahandog ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, at (B)nangagpahayag ng kasalanan sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.
23 At ang buong kapisanan ay nagsanggunian upang magdiwang ng ibang (C)pitong araw: at sila'y nangagdiwang ng ibang pitong araw na may kasayahan.
24 Sapagka't si Ezechias na hari sa Juda ay nagbigay sa kapisanan ng pinakahandog na isang libong baka at pitong libong tupa; at ang mga prinsipe ay nangagbigay sa kapisanan ng isang libong baka at sangpung libong tupa; at lubhang maraming bilang ng mga saserdote ay (D)nangagpakabanal.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978