Add parallel Print Page Options

Bukod dito'y inutusan niya ang bayan na tumatahan sa Jerusalem, (A)na ibigay ang pagkain ng mga saserdote at ng mga Levita, (B)upang magsitalaga sa (C)kautusan ng Panginoon.

At paglabas ng utos, ang mga anak ni Israel ay nangagbigay na sagana ng mga unang bunga ng trigo, alak, at langis, at pulot, at sa lahat na bunga sa bukid; at ang ikasangpung bahagi ng lahat na bagay ay dinala nila na sagana.

At ang mga anak ni Israel at ni Juda, na nagsisitahan sa mga bayan ng Juda, sila nama'y nangagdala ng ikasangpung bahagi ng mga baka at mga tupa, at (D)ng ikasangpung bahagi ng mga itinalagang bagay na mga itinalaga sa Panginoon nilang Dios, at inilagay ang mga yaon na bunton bunton.

Read full chapter