Font Size
2 Cronica 32:30-32
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Cronica 32:30-32
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
30 Si Hezekia ang nag-utos na lagyan ng harang ang dinadaanan ng tubig na mula sa bukal ng Gihon at padaluyin ito papunta sa kanluran ng Lungsod ni David. Nagtagumpay si Hezekia sa lahat ng kanyang ginawa. 31 Pero sinubok siya ng Dios nang dumating ang mga opisyal mula sa Babilonia na nag-usisa tungkol sa kamangha-manghang nangyari sa Juda. Ginawa ito ng Dios para malaman kung ano talaga ang nasa puso ni Hezekia.
Ang Katapusan ng Paghahari ni Hezekia(A)
32 Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Hezekia at ang pag-ibig[a] niya sa Panginoon ay nakasulat sa Pangitain ni Propeta Isaias na Anak ni Amoz, na bahagi ng Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda at Israel.
Read full chapterFootnotes
- 32:32 pag-ibig: o, katapatan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®