2 Cronica 34:8-10
Ang Biblia (1978)
Ang pagkamatapat sa malinis na pagsamba.
8 (A)Sa ikalabing walong taon nga ng kaniyang paghahari, nang kaniyang malinis ang lupain, at ang bahay, ay kaniyang sinugo si (B)Saphan na anak ni Asalias, at si (C)Maasias na (D)tagapamahala ng bayan, at si Joah na anak ni Joachaz na (E)kasangguni, upang husayin ang bahay ng Panginoon niyang Dios.
9 At sila'y nagsiparoon kay (F)Hilcias na dakilang saserdote at ibinigay ang salapi na napasok sa bahay ng Dios, na nakuha ng mga Levita, na mga tagatanod-pinto, sa kamay ng Manases at ng Ephraim, at sa lahat ng nalabi sa Israel, at sa buong Juda, at Benjamin, at sa mga taga Jerusalem.
10 At kanilang ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang namamahala sa bahay ng Panginoon; at ibinigay ng mga manggagawa ng bahay ng Panginoon upang husayin at pagtibayin ang bahay;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978