Add parallel Print Page Options

18 (A)At hindi nagkaroon ng paskua na gaya ng ipinagdiwang na yaon sa Israel mula sa mga araw ni (B)Samuel na propeta; ni nagdiwang man ang sinoman sa mga hari sa Israel ng gayong paskua na gaya ng ipinagdiwang ni Josias, at ng mga saserdote, at ng mga Levita, at ng buong Juda at Israel na nangakaharap, at ng mga taga Jerusalem.

19 Nang ikalabing walong taon ng paghahari ni Josias ay ipinagdiwang ang paskuang ito.

Pinatay si Josias.

20 (C)Pagkatapos ng lahat ng ito, nang maihanda ni Josias ang templo, si Nechao na hari sa Egipto ay umahon upang makipaglaban sa (D)Carchemis sa siping ng Eufrates: at si Josias ay lumabas laban sa kaniya.

Read full chapter