Font Size
2 Cronica 35:19-21
Ang Biblia (1978)
2 Cronica 35:19-21
Ang Biblia (1978)
19 Nang ikalabing walong taon ng paghahari ni Josias ay ipinagdiwang ang paskuang ito.
Pinatay si Josias.
20 (A)Pagkatapos ng lahat ng ito, nang maihanda ni Josias ang templo, si Nechao na hari sa Egipto ay umahon upang makipaglaban sa (B)Carchemis sa siping ng Eufrates: at si Josias ay lumabas laban sa kaniya.
21 Nguni't siya'y nagsugo ng mga sugo sa kaniya, na ipinasasabi, Anong aking ipakikialam sa iyo, ikaw na hari sa Juda? ako'y hindi naparirito laban sa iyo sa araw na ito, kundi laban sa sangbahayan na kinakalaban ko: at iniutos sa akin ng Dios na ako'y magmamadali: iwan mo ang pakikialam sa Dios, na nasa akin nga, upang huwag ka niyang lipulin.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978