Font Size
2 Cronica 36:10-12
Magandang Balita Biblia
2 Cronica 36:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Sa(A) pagtatapos ng taon, ipinakuha siya ni Haring Nebucadnezar pati ang mahahalagang kagamitan sa Templo at dinala sa Babilonia. Ang ipinalit sa kanya bilang hari ay si Zedekias na kanyang tiyuhin.[a]
Si Haring Zedekias ng Juda(B)
11 Dalawampu't(C) isang taóng gulang si Zedekias nang maging hari ng Juda at labing-isang taon siyang naghari sa Jerusalem. 12 Ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh. Hindi siya nagpakumbaba at hindi rin sumunod sa ipinangaral ni propeta Jeremias, na nagpahayag ng mensahe ni Yahweh.
Read full chapterFootnotes
- 2 Cronica 36:10 tiyuhin: Sa ibang manuskrito'y kapatid .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.