Add parallel Print Page Options

Ang Mensahe ni Solomon sa mga Mamamayan ng Israel(A)

At humarap si Haring Solomon sa buong kapulungan ng Israel na nakatayo roon at silaʼy binasbasan. Sinabi niya, “Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako sa aking ama na si David. Sapagkat sinabi niya, ‘Mula nang araw na inilabas ko ang mga mamamayan kong Israelita sa Egipto, hindi ako pumili ng lungsod sa kahit anong lahi ng Israel para pagtayuan ng templo sa pagpaparangal sa akin, at hindi rin ako pumili ng haring mamamahala sa mga mamamayan kong Israelita.

Read full chapter