Add parallel Print Page Options

16 At siya'y gumawa ng (A)tatlong daang kalasag na pinukpok na ginto; tatlong daang siklo na ginto ang ginamit sa bawa't kalasag: at inilagay ng hari sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano.

17 Bukod dito'y gumawa ang hari ng isang malaking luklukang garing, at binalot ng taganas na (B)ginto.

18 At may anim na baytang sa luklukan, at isang gintong tungtungan, na mga nakakapit sa luklukan, at may mga pinakakamay sa bawa't tagiliran sa siping ng dako ng upuan, at dalawang leon ang nakatayo sa siping ng mga pinakakamay.

Read full chapter