Add parallel Print Page Options

Nang ikapitong taon, ipinatawag ng paring si Jehoyada ang mga pinunong personal na tagapagbantay ng hari at mga guwardya ng palasyo para papuntahin sa templo ng Panginoon. Gumawa siya ng kasunduan sa kanila at sinumpaan nila ang mga ito roon sa templo ng Panginoon. Pagkatapos, ipinakita sa kanila ang anak ng hari. Sinabi niya sa kanila, “Ito ang gagawin nʼyo: Ang ikatlong bahagi ng mga nagbabantay kapag Araw ng Pamamahinga ang magbabantay sa palasyo ng hari. Ang isa pang ikatlong bahagi naman ang magbabantay sa Pintuan ng Sur. Ang isa pang grupo ang magbabantay sa pintuan ng palasyo para tumulong sa iba pang mga guwardya na naroon.

Read full chapter