Add parallel Print Page Options

Nag-alay siya ng mga handog at nagsunog ng mga insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar, sa ibabaw ng bundok at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.

Nakipaglaban sina Haring Rezin ng Aram at Haring Peka ng Israel kay Ahaz. Nilusob nila ang Jerusalem pero hindi nila ito nasakop. Nang panahong iyon, nabawi ni Haring Rezin ng Aram[a] ang Elat sa pamamagitan ng pagpapalayas niya sa mga mamamayan ng Juda. At pumunta ang mga Arameo[b] roon para manirahan at doon sila nakatira hanggang ngayon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 16:6 Haring Rezin ng Aram: sa teksto na Latin Vulgate, hari ng Edom.
  2. 16:6 Arameo: Sa Septuagint at sa Latin Vulgate, Edomita.