Add parallel Print Page Options

36 Tinawag ni Eliseo si Gehazi at sinabi, “Tawagin mo ang kanyang ina.” Kaya tinawag nga niya ito. Nang dumating ang babae, sinabi ni Eliseo, “Kunin mo ang iyong anak.” 37 Nagpatirapa ang babae sa paanan ni Eliseo bilang pagpapasalamat[a] sa kanya. Kinuha niya ang anak niya at dinala sa ibaba.

Ang Himala sa Panahon ng Taggutom

38 Mayroong taggutom sa Gilgal nang bumalik si Eliseo roon. Isang araw, habang nakikipag-usap ang grupo ng mga propeta sa kanya, sinabi niya sa katulong niya, “Isalang mo ang malaking palayok at magluto ka ng pagkain para sa mga taong ito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:37 pagpapasalamat: o, pagpaparangal.