Add parallel Print Page Options

10 Kaya nag-utos ang hari ng Israel na sabihan ang mga nakatira sa lugar na sinasabi ni Eliseo na maging handa sila. Palaging nagbibigay ng babala si Eliseo sa hari.[a]

11 Dahil dito, nagalit ang hari ng Aram. Ipinatawag niya ang mga opisyal niya at sinabi, “Sino sa inyo ang kumakampi sa hari ng Israel?” 12 Nagsalita ang isa sa opisyal niya, “Wala po talaga kahit isa man sa amin, Mahal na Hari. Ang propeta sa Israel na si Eliseo ang nagpapahayag sa hari ng Israel ng lahat ng sinasabi ninyo kahit pa ang sinasabi nʼyo sa loob ng inyong kwarto.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:10 Kaya … hari: o, Kaya ipinausisa ng hari ng Israel ang lugar na sinasabi ni Eliseo. Binabalaan palagi ni Eliseo ang hari ng Israel para palagi itong mag-ingat sa lugar na iyon.