Add parallel Print Page Options

Pinaligiran ang Samaria

24 Kinalaunan, tinipon ni Haring Ben Hadad ng Aram ang kanyang buong hukbo, at nilusob ang Samaria. 25 Dahil dito, nagkaroon ng malaking taggutom sa lungsod, hanggang sa nagsitaasan ang mga bilihin. Ang halaga ng ulo ng asno ay 80 pirasong pilak at ang isang gatang na dumi ng kalapati[a] ay limang pirasong pilak.

26 Isang araw, habang dumaraan ang hari ng Israel sa itaas ng pader,[b] may isang babae na sumigaw sa kanya, “Tulungan po ninyo ako, Mahal na Hari!”

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:25 dumi ng kalapati: Maaaring pangalan ito ng isang klase ng buto ng gulay.
  2. 6:26 itaas ng pader: makapal ang mga pader nila, kaya maaaring dumaan dito.