Add parallel Print Page Options

Huminto ang mga Arameo sa Paglusob

May apat na tao na may malubhang sakit sa balat[a] na nakaupo sa pintuan ng lungsod. Sinabi nila sa isaʼt isa, “Bakit kailangan nating umupo rito hanggang sa mamatay? Kung papasok tayo sa lungsod, mamamatay tayo sa gutom at kung mauupo lang tayo rito, mamamatay din tayo. Kaya pumunta na lang tayo sa kampo ng mga Arameo at sumuko. Nasa kanila na kung bubuhayin nila tayo o papatayin.”

Kaya kinagabihan, pumunta sila sa kampo ng mga Arameo. Pero pagdating nila roon, walang tao.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:3 sakit sa balat: sa ibang salin, ketong. Ang salitang Hebreo nito ay ang tawag sa ibaʼt ibang uri ng sakit sa balat.