Add parallel Print Page Options

17 Si Jehoram ay 32 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng walong taon. 18 Sumunod siya sa pamumuhay ng mga hari ng Israel, tulad ng ginawa ng pamilya ni Ahab, dahil naging asawa niya ang anak nito. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. 19 Pero dahil kay David, hindi winasak ng Panginoon ang Juda dahil nangako ang Panginoon na hindi mawawalan si David ng angkan na maghahari magpakailanman.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:19 nangako … magpakailanman: sa literal, nangako ang Panginoon na bibigyan niya si David at ang kanyang angkan ng ilaw magpakailanman.