Font Size
2 Juan 5-7
Ang Salita ng Diyos
2 Juan 5-7
Ang Salita ng Diyos
5 Ngayon ay nakikiusap ako sa iyo, ginang, hindi sa waring sumusulat ako sa iyo ng isang bagong utos kundi yaong tinanggap na natin buhat pa sa pasimula. Ito ay ang mag-ibigan tayo sa isa’t isa. 6 Ganito ang pag-ibig: Lumakad tayo ayon sa kaniyang mga kautusan. Ito ang utos na inyong narinig buhat pa sa pasimula na siyang dapat ninyong lakaran.
7 Maraming manlilinlang ang narito na sa sanlibutan. Sila yaong mga ayaw kumilala na si Jesucristo ay nagkatawang-tao. Ang ganitong tao ay isang mandaraya at anticristo.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International