Font Size
2 Mga Hari 1:16-18
Ang Biblia, 2001
2 Mga Hari 1:16-18
Ang Biblia, 2001
16 At sinabi niya sa kanya, “Ganito ang sabi ng Panginoon, ‘Sapagkat ikaw ay nagpadala ng mga sugo upang sumangguni kay Baal-zebub na diyos ng Ekron, dahil ba sa walang Diyos sa Israel na mapagsasanggunian ng kanyang salita?—kaya't hindi ka aalis sa higaan na iyong pinanggalingan, kundi tiyak na mamamatay ka.’”
Si Jehoram ang Humalili sa Kanya
17 Kaya't namatay siya ayon sa salita ng Panginoon na sinabi ni Elias. Si Jehoram ay nagharing kapalit niya, nang ikalawang taon ni Jehoram na anak ni Jehoshafat na hari ng Juda, sapagkat si Ahazias ay walang anak na lalaki.
18 Ang iba sa mga gawa ni Ahazias na kanyang ginawa, hindi ba ang mga iyon ay nakasulat sa Aklat ng mga Kasaysayan[a] ng mga Hari ng Israel?
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 1:18 o Cronica .