2 Mga Hari 1:2-4
Ang Biblia (1978)
2 At si Ochozias ay nahulog sa silahia sa kaniyang silid sa itaas na nasa Samaria, at nagkasakit: at siya'y nagsugo ng mga sugo, at nagsabi sa kanila, Kayo ay magsiyaon, usisain ninyo kay Baal-zebub, na dios sa (A)Ecron, kung ako'y gagaling sa sakit na ito.
3 Nguni't sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias na (B)Thisbita, Ikaw ay bumangon, umahon ka na salubungin mo ang mga sugo ng hari ng Samaria, at sabihin mo sa kanila, Dahil ba sa walang Dios sa Israel, na kaya kayo'y nagsisiyaon upang magsipagusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron?
4 Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon, Ikaw ay hindi bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay. At si Elias ay umalis.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978