Font Size
2 Mga Hari 15:17-19
Magandang Balita Biblia
2 Mga Hari 15:17-19
Magandang Balita Biblia
Ang Paghahari ni Menahem sa Israel
17 Nang ikatatlumpu't siyam na taon ng paghahari ni Azarias sa Juda, naging hari ng Israel si Menahem na anak ni Gadi. Siya'y naghari sa Samaria nang sampung taon. 18 Tulad ni Jeroboam, anak ni Nebat, na nagbulid sa Israel upang magkasala, ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh.
19 Sa panahon ni Menahem, ang Israel ay sinalakay ni Haring Pul ng Asiria.[a] Nagbigay sa kanya si Menahem ng 35,000 kilong pilak upang makuha ang suporta nito sa pagpapalakas ng kanyang paghahari sa Israel.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 15:19 Haring Pul ng Asiria: o kaya'y Tiglat-pileser .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.