Add parallel Print Page Options

Ang paghahari ni Zacharias, Sallum, Manahem, Pekaia, at Peka sa Israel.

Nang ikatatlongpu't walong taon ni Azarias na hari sa Juda, ay naghari sa Israel si Zacharias na anak ni Jeroboam sa Samaria na anim na buwan.

At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng kaniyang mga magulang: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel.

10 At si Sallum na anak ni Jabes ay nagbanta laban sa kaniya, at (A)sinaktan siya sa harap ng bayan, at pinatay siya, at naghari na kahalili niya.

Read full chapter