2 Mga Hari 19:23-25
Ang Biblia (1978)
23 (A)Sa pamamagitan ng iyong mga sugo ay iyong pinulaan ang Panginoon, at sinabi mo, Sa karamihan ng aking mga karo ako'y nakaahon sa kataasan ng mga bundok, sa mga kaloobloobang bahagi ng Libano; at aking ibubuwal ang mga matayog na sedro niyaon, at ang mga piling puno ng abeto niyaon: at ako'y papasok sa kaniyang pinaka malayong tuluyan, sa gubat ng kaniyang mabungang bukid.
24 Ako'y humukay at uminom ng tubig ng iba, at aking tutuyuin ang lahat na ilog (B)ng Egipto ng talampakan ng aking mga paa.
Ang hula ni Isaias sa paglaya.
25 Hindi mo ba nabalitaan kung paanong aking ginawa na malaon na, at aking iniakma ng una? ngayo'y aking pinapangyari, upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guho na bunton.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978