Font Size
2 Mga Hari 22:8-10
Ang Biblia (1978)
2 Mga Hari 22:8-10
Ang Biblia (1978)
Ang aklat ng kautusan. Binasa ni Josias ang kautusan sa harap ng mga tao at gumawa ng tipan.
8 At si Hilcias na dakilang saserdote ay nagsabi kay Saphan na kalihim, (A)Aking nasumpungan ang aklat ng kautusan sa bahay ng Panginoon. At ibinigay ni Hilcias ang aklat kay Saphan, at kaniyang binasa.
9 At si Saphan na kalihim ay naparoon sa hari, at nagbalik ng salita sa hari, at nagsabi, Inilabas ng iyong mga lingkod ang salapi na nasumpungan sa bahay, at ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang tumitingin ng gawain sa bahay ng Panginoon.
10 At isinaysay ni Saphan na kalihim, sa hari na sinasabi, Si Hilcias na saserdote ay nagbigay sa akin ng isang aklat.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978