Font Size
2 Mga Hari 25:27-29
Ang Biblia (1978)
2 Mga Hari 25:27-29
Ang Biblia (1978)
Si Joachin ay pinagmagandahang loob ni Evil-merodach.
27 At (A)nangyari nang ikatatlongpu't pitong taon ng (B)pagkabihag ni Joachin na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawangpu't pitong araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang taon na siya'y magpasimulang maghari, ay (C)itinaas ang ulo ni Joachin na hari sa Juda sa bilangguan;
28 At siya'y nagsalita na may kagandahang loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan sa itaas ng luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia.
29 At kaniyang pinalitan ang kaniyang damit na pagkabihag. At kumain si Joachin ng tinapay sa harap niya na palagi (D)sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978