2 Mga Hari 4:1-3
Ang Biblia (1978)
Dumami ang langis ng babaing balo.
4 Sumigaw nga kay Eliseo ang isang babae na isa sa mga asawa ng mga (A)anak ng mga propeta, na nagsasabi, Ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na: at iyong talastas na ang iyong lingkod ay natakot sa Panginoon: at ang pinagkautangan ay naparito (B)upang kuning alipinin niya ang aking dalawang anak.
2 At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Anong gagawin ko sa iyo? saysayin mo sa akin; anong mayroon ka sa bahay? At sinabi niya, Ang iyong lingkod ay walang anomang bagay sa bahay liban sa isang palyok na langis.
3 Nang magkagayo'y sinabi niya, Ikaw ay yumaon, manghiram ka ng mga sisidlan sa labas sa lahat ng iyong mga kapitbahay, sa makatuwid baga'y ng mga walang lamang sisidlan; huwag kang manghiram ng kaunti.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978