2 Mga Hari 4:27-29
Ang Biblia (1978)
27 At nang siya'y dumating sa lalake ng Dios (A)sa burol, siya'y (B)humawak sa kaniyang mga paa. At lumapit si Giezi upang ihiwalay siya; nguni't sinabi ng lalake ng Dios: Bayaan siya; sapagka't siya'y namamanglaw; at inilihim ng Panginoon sa akin, at hindi isinaysay sa akin.
28 Nang magkagayo'y sinabi niya, Ako ba'y humiling ng isang anak sa aking panginoon? (C)di ba sinabi ko, Huwag mo akong dayain?
29 Nang magkagayo'y sinabi niya kay Giezi, (D)Bigkisan mo ang iyong mga balakang, at tangnan mo ang aking tungkod sa iyong kamay, at yumaon ka ng iyong lakad: kung ikaw ay makasasalubong ng sinomang tao, (E)huwag mo siyang batiin; at kung ang sinoman ay bumati sa iyo, huwag mo siyang sagutin: at (F)ipatong mo ang aking tungkod sa mukha ng bata.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978