2 Mga Hari 5:16-18
Ang Biblia (1978)
16 Nguni't kaniyang sinabi, (A)Buháy ang Panginoon, na nakatayo ako sa harap niya, (B)wala akong tatanggapin. At ipinilit niya sa kaniyang kunin; nguni't siya'y tumanggi.
17 At sinabi ni Naaman, Kung hindi, isinasamo ko pa sa iyo, na bigyan ko ang iyong lingkod ng lupang mapapasan ng dalawang mula; sapagka't ang iyong lingkod buhat ngayon ay hindi maghahandog ng handog na susunugin o hain man sa ibang mga dios, kundi sa Panginoon.
18 Sa bagay na ito'y patawarin nawa ng Panginoon ang iyong lingkod, pagka ang aking panginoon ay pumasok sa bahay ni Rimmon upang sumamba roon, at siya'y (C)umagapay sa aking kamay, at ako'y yumukod sa bahay ni Rimmon, pagyukod ko sa bahay ni Rimmon, na patawarin nawa ng Panginoon ang iyong lingkod sa bagay na ito.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978