Font Size
2 Mga Hari 8:16-18
Magandang Balita Biblia
2 Mga Hari 8:16-18
Magandang Balita Biblia
Ang Paghahari ni Jehoram sa Juda(A)
16 Nang si Joram na anak ni Ahab ay limang taon nang naghahari sa Israel,[a] si Jehoram na anak ni haring Jehoshafat ay nagsimula namang maghari sa Juda. 17 Tatlumpu't dalawang taon siya nang maging hari, at walong taóng naghari sa Jerusalem. 18 Ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh. Sinundan niya ang yapak ng mga naging hari ng Israel, tulad ng ginawa ng sambahayan ni Ahab na kanyang biyenan.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 8:16 sa Israel: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na at si Jehoshafat bilang hari ng Juda .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.