Font Size
2 Mga Hari 8:20-22
Magandang Balita Biblia
2 Mga Hari 8:20-22
Magandang Balita Biblia
20 Sa(A) panahon ni Jehoram,[a] naghimagsik ang Edom laban sa Juda at naglagay ng sariling hari. 21 Pumunta siya sa Zair, dala ang lahat niyang karwahe. Ngunit napaligiran sila ng mga Edomita kaya kinagabihan, nagpilit silang lumusot. Ang mga tauhan niya ay nagsitakas pauwi sa kani-kanilang bahay. 22 Mula noon, hindi na sakop ng Juda ang Edom.[b] Hindi nagtagal, naghimagsik din ang Libna.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 8:20 Jehoram: Sa ibang manuskrito'y Joram .
- 2 Mga Hari 8:22 Mula noon…Edom: o kaya'y Mula noon naghimagsik ang Edom laban sa Juda .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.