Add parallel Print Page Options

At nangyari sa kinahapunan, na si David ay bumangon sa kaniyang higaan, at lumakad sa (A)bubungan ng bahay ng hari: at mula sa bubungan ay kaniyang nakita ang isang babae na naliligo; at ang babae ay totoong napakagandang masdan.

At nagsugo si David, at nagpasiyasat tungkol sa babae. At sinabi ng isa, Hindi ba ito ay si (B)Bath-sheba na anak ni Eliam, na asawa ni Uria na Hetheo?

At si David ay nagsugo ng mga sugo, at kinuha siya; at siya'y pumaroon sa kaniya, at (C)kaniyang sinipingan siya (sapagka't siya'y malinis sa kaniyang karumihan;) at siya'y bumalik sa kaniyang bahay.

Read full chapter