Add parallel Print Page Options

10 Nguni't si Absalom ay nagsugo ng mga tiktik sa lahat ng mga lipi ng Israel, na sinasabi, Pagkarinig ninyo ng tunog ng pakakak, inyo ngang sasabihin, Si Absalom ay hari sa Hebron.

11 At lumabas sa Jerusalem na kasama ni Absalom ay dalawang daang lalake (A)na mga inanyayahan, at nangaparoon silang walang malay; at wala silang nalalamang anoman.

12 At pinagsuguan ni Absalom si (B)Achitophel na Gilonita, (C)na kasangguni ni David, mula sa kaniyang bayan, mula sa Gilo samantalang siya'y naghahandog ng mga hain. At mahigpit ang pagbabanta: sapagka't ang bayan na kasama ni Absalom ay dumadami ng dumadami.

Read full chapter