2 Samuel 15:12-14
Ang Biblia (1978)
12 At pinagsuguan ni Absalom si (A)Achitophel na Gilonita, (B)na kasangguni ni David, mula sa kaniyang bayan, mula sa Gilo samantalang siya'y naghahandog ng mga hain. At mahigpit ang pagbabanta: sapagka't ang bayan na kasama ni Absalom ay dumadami ng dumadami.
Si David ay tumanan mula sa Jerusalem.
13 At naparoon ang isang sugo kay David, na nagsasabi, (C)Ang mga puso ng mga lalake ng Israel ay sumusunod kay Absalom.
14 At sinabi ni David sa lahat ng kaniyang mga lingkod na nasa kaniya sa Jerusalem, magsibangon kayo, (D)at tayo'y magsitakas; sapagka't liban na rito ay walang makatatanan sa atin kay Absalom: mangagmadali kayo ng pagtakas, baka sa pagmamadali ay abutan tayo, at dalhan tayo ng kasamaan, at sugatan ang bayan ng talim ng tabak.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978