2 Samuel 15:34-36
Ang Biblia (1978)
34 Nguni't kung ikaw ay bumalik sa bayan, at sabihin mo kay Absalom, (A)Ako'y magiging iyong lingkod, Oh hari; kung paanong ako'y naging lingkod ng iyong ama nang panahong nakaraan, ay gayon magiging lingkod mo ako ngayon: kung magkagayo'y iyo ngang masasansala ang payo ni Achitophel sa ikabubuti ko.
35 At hindi ba kasama mo roon si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote? kaya't mangyayari, na anomang bagay ang iyong marinig sa sangbahayan ng hari, iyong (B)sasaysayin kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote.
36 Narito (C)nasa kanila roon ang kanilang dalawang anak, si Ahimaas na anak ni Sadoc, at si Jonathan na anak ni Abiathar; at sa pamamagitan nila ay inyong maipadadala sa akin ang bawa't bagay na inyong maririnig.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978