Add parallel Print Page Options

Pagkalipas ng apat na taon,[a] sinabi ni Absalom sa hari, “Payagan nʼyo po akong pumunta sa Hebron para tuparin ang ipinangako ko sa Panginoon. Noong naninirahan pa ako sa Geshur na sakop ng Aram, nangako ako sa Panginoon na kung pababalikin ulit ako ng Panginoon sa Jerusalem, sasamba ako sa kanya sa Hebron.” Sinabi ng hari sa kanya, “Sige, magkaroon ka sana ng matiwasay na paglalakbay.” Kaya pumunta si Absalom sa Hebron.

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:7 apat na taon: Itoʼy batay sa ibang mga tekstong Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, 40 taon.