Add parallel Print Page Options

10 Pero sinabi ng hari, “Kayong mga anak ni Zeruya, wala kayong pakialam dito! Kung inutusan siya ng Panginoong sumpain ako, sino ako para pigilan siya?” 11 Sinabi ni David kay Abishai at sa lahat ng opisyal niya, “Kung ang anak ko nga ay binabalak akong patayin, paano pa kaya itong kamag-anak ni Saul?[a] Inutusan siya ng Panginoon kaya hayaan nʼyo na lang siya. 12 Baka makita ng Panginoon ang paghihirap ko, at gantihan niya ng kabutihan ang kasamaang nararanasan ko ngayon.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 16:11 kamag-anak ni Saul: sa Hebreo, Benjaminita.