Add parallel Print Page Options

25 Sa halip na si Joab, si Amasa ang ginawa ni Absalom na pinuno ng buong hukbo. Si Amasa ay anak kay Abigail ni Itra, isang lalaking Ismaelita.[a] Si Abigail naman ay anak ni Nahas, kapatid ni Zeruias na ina ni Joab. 26 Ang mga Israelita at si Absalom ay nagkampo sa Gilead.

27 Pagdating sa Mahanaim, si David ay sinalubong ni Sobi, anak ni Nahas na Ammonitang taga-Rabba. Kasama ni Sobi si Maquir, anak ni Amiel na taga-Lo-debar at si Barzilai, isang Gileaditang taga-Rogelim.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Samuel 17:25 Ismaelita: Sa ibang manuskrito'y Israelita .