Add parallel Print Page Options

21 At inutusan niya ang isang aliping Cusita para ibalita kay David ang nangyari. Nagbigay-galang muna ito kay Joab, bago patakbong umalis.

22 Nagsumamo kay Joab si Ahimaaz: “Anuman po ang mangyari'y pahintulutan ninyong sundan ko ang Cusita.”

“Bakit, anak ko?” tanong ni Joab. “Wala kang mapapala sa pagbabalita mo.”

23 “Kahit po anong mangyari, basta't pahintulutan ninyo ako,” wika niya.

“Sige, tumakbo ka,” wika ni Joab. Tumakbo nga si Ahimaaz at dumaan sa Libis ng Jordan at naunahan pa niya ang aliping Cusita.

Read full chapter