2 Samuel 18:27-29
Ang Biblia (1978)
27 At sinabi ng bantay, Inaakala ko na ang takbo ng una ay (A)gaya ng takbo ni Ahimaas na anak ni Sadoc. At sinabi ng hari, Siya'y mabuting (B)lalake at napariritong may mabuting balita.
Ang kamatayan ni Absalom ay sinaysay kay David.
28 At tumawag si Ahimaas at nagsabi sa hari, Lahat ay mabuti. At siya'y nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari, at nagsabi, Purihin ang Panginoon mong Dios, na (C)nagbigay ng mga lalaking nagsipagtaas ng kanilang kamay laban sa aking panginoon na hari.
29 At sinabi ng hari, Ligtas ba ang binatang si Absalom? At sumagot si Ahimaas. Nang suguin ni Joab, ang lingkod ng hari, sa makatuwid baga'y ako na iyong lingkod, ako'y nakakita ng isang malaking pagkakagulo, nguni't hindi ko nalalaman kung ano.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978