Add parallel Print Page Options

25 Nalalaman mo si Abner na anak ni Ner ay naparito upang dayain ka at upang maalaman ang (A)iyong paglabas at ang iyong pagpasok, at upang maalaman ang lahat na iyong ginagawa.

26 At nang lumabas si Joab na mula kay David, siya'y nagsugo ng mga sugo na sumunod kay Abner, at kanilang ibinalik siya na mula sa balon ng Sira: nguni't hindi nalalaman ni David.

27 At nang bumalik si Abner sa Hebron, ay dinala siya ni Joab na bukod sa gitna ng pintuang-bayan upang makipagsalitaan sa kaniya ng lihim, at sinaktan niya siya roon sa tiyan, na anopa't siya'y namatay, dahil sa dugo ni (B)Asael na kaniyang kapatid.

Read full chapter