Font Size
2 Samuel 6:21-23
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Samuel 6:21-23
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
21 Sinabi ni David kay Mical, “Ginawa ko iyon sa presensya ng Panginoon na pumili sa akin kapalit ng iyong ama o ng kahit sino pa sa angkan niya. Pinili niya akong mamahala sa mga mamamayan niyang Israelita kaya ipagpapatuloy ko ang pagsasaya sa presensya ng Panginoon. 22 At kahit na nakakahiya pa ang gagawin ko para sa pagdiriwang ng Panginoon, gagawin ko pa rin ito. Kahiya-hiya ako sa paningin mo[a] pero marangal ako sa paningin ng mga babaeng alipin na sinasabi mo.”
23 Dahil dito, hindi nagkaanak si Mical hanggang sa mamatay siya.
Read full chapterFootnotes
- 6:22 sa paningin mo: Ito ang nasa tekstong Septuagint. Sa Hebreo, sa paningin ko.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®