Font Size
2 Samuel 6:3-5
Ang Biblia (1978)
2 Samuel 6:3-5
Ang Biblia (1978)
3 At kanilang inilagay ang kaban ng Dios (A)sa isang bagong karo, at kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab na nasa (B)burol: at si Uzza at si Ahio, na mga anak ni Abinadab, ay siyang nagpatakbo ng bagong karo.
4 At kanilang inilabas (C)sa bahay ni Abinadab, na nasa burol, pati ng kaban ng Dios: at si Ahio ay nagpauna sa kaban.
5 At si David at ang buong sangbahayan ni Israel ay nagsitugtog sa harap ng Panginoon ng sarisaring panugtog na kahoy na abeto, at ng mga alpa, at ng mga salterio, at ng mga pandereta, at ng mga kastaneta at ng mga simbalo.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978