Add parallel Print Page Options

11 Inihandog ito ni Haring David sa Panginoon, gaya ng ginawa niya sa mga pilak at ginto na nasamsam niya mula lahat ng bansang tinalo niya – 12 ang Edom,[a] Moab, Ammon, Filistia at Amalek. Inihandog din niya ang mga nasamsam nila mula kay Haring Hadadezer ng Zoba, na anak ni Rehob. 13 Naging tanyag pa si David nang mapatay niya ang 18,000 Edomita[b] sa lambak na tinatawag na Asin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:12 Edom: Ito ay ayon sa Septuagint, Syriac at sa iba pang tekstong Hebreo. Sa ibang tekstong Hebreo, Aram.
  2. 8:13 Edomita: Itoʼy ayon sa tekstong Septuagint at Syriac; sa Hebreo, Aram (na ang ibig sabihin, mga Arameo.)