Add parallel Print Page Options

(A)At kaniyang sinaktan ang Moab, at sinukat niya sila ng tali, na pinahiga sila sa lupa; at kaniyang sinukat ng dalawang tali upang patayin, at ng isang buong tali upang buhayin. (B)At ang mga Moabita ay naging mga alipin ni David, (C)at nagsipagdala ng mga kaloob.

Sinaktan din ni David si (D)Hadadezer na anak ni Rehob, na hari sa (E)Soba, habang siya'y yumayaon upang bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog.

At kinuha ni David sa kaniya ang isang libo at pitong daan na mangangabayo, at dalawang pung libo na naglalakad: at (F)pinilayan ni David ang lahat ng mga kabayo ng mga karo, nguni't sa mga yaon ay nagtaan ng sa isang daang karo.

Read full chapter