Add parallel Print Page Options

Nakipaglaban din si David kay Haring Hadadezer ng Zoba, na anak ni Rehob, habang papunta si Hadadezer sa lupaing malapit sa Ilog ng Eufrates para bawiin ito. Naagaw nila David ang 1,000 niyang karwahe, 7,000 mangangarwahe,[a] at 20,000 sundalo. Pinilayan nila David ang mga kabayo na humihila ng mga karwahe, maliban lang sa 100 kabayo na itinira nila para gamitin.

Nang dumating ang mga Arameo[b] mula sa Damascus para tulungan si Hadadezer, pinatay nila David ang 22,000 sa mga ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:4 1,000 niyang karwahe, 7,000 mangangarwahe: Itoʼy ayon sa tekstong Septuagint (at sa 1 Cro. 18:4). Sa Hebreo, 1,700 mangangarwahe.
  2. 8:5 Arameo: o, taga-Syria. Ganito rin sa talatang 6.