Font Size
2 Samuel 9:5-7
Magandang Balita Biblia
2 Samuel 9:5-7
Magandang Balita Biblia
5 Ipinasundo agad ni David 6 si Mefiboset,[a] anak ni Jonatan at apo ni Saul. Nang maiharap siya kay David, siya'y nagpatirapa bilang pagbibigay-galang.
“Ikaw ba si Mefiboset?”[b] tanong ng hari.
“Ako nga po, mahal na hari” sagot naman nito.
7 Sinabi ni David, “Huwag kang matakot. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para sa iyo, alang-alang kay Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at laging nakahanda ang aking hapag para sa iyo.”
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 9:6 Mefiboset: o kaya'y Mefibaal .
- 2 Samuel 9:6 Mefiboset: o kaya'y Mefibaal.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.