Add parallel Print Page Options

At kung maalis na ang hadlang, lilitaw na ang suwail. Ngunit lubusan siyang pupuksain ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng hininga ng kanyang bibig sa panahon ng kanyang maluwalhating pagdating. Ngunit sa kanyang paglitaw, ang suwail ay magtataglay ng kapangyarihan ni Satanas. Makikita ang lahat ng uri ng huwad na himala, mga tanda, at mga kababalaghan. 10 Lilinlangin niya sa pamamagitan ng maraming uri ng pandaraya ang mga mapapahamak, mga taong ayaw umibig sa katotohanan na sana sa kanila'y makapagliligtas.

Read full chapter