Add parallel Print Page Options

17 Ang katuruan ng mga guma­gawa nito ay kumakalat na parang kanggrena. Sina Himeneo at Fileto ay kabilang dito. 18 Sila ay sumala sa katotohanan. Sinasabi nila: Naganap na ang muling pagka­buhay. Sa ganyang paraan ay itinataob nila ang pananam­palataya ng ilan. 19 Gayun­man, ang matatag na saligan ng Diyos ay nakatindig nang matibay. Ito ang nakatatak dito:

Kilala ng Panginoon ang kabilang sa kaniya. Lumayo sa kalikuan ang bawat isang sumasambit sa pangalan ni Cristo.

Read full chapter