Add parallel Print Page Options

Kaya nga, tiisin mo ang lahat ng hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Jesucristo. Hindi isinasangkot ng naglilingkod bilang isang kawal ang kaniyang buhay sa mga bagay ng buhay na ito. Ito ay upang mabigyan niya ng kasiyahan ang nagtala sa kaniya bilang isang kawal. Gayundin naman, kung ang sinuman ay nakiki­pagpaligsahan sa palaro, kung hindi siya makikipagpaligsahan ayon sa alituntunin, siya ay hindi bibigyan ng gantimpalang-putong.

Read full chapter