Font Size
2 Timoteo 2:5-7
Ang Salita ng Diyos
2 Timoteo 2:5-7
Ang Salita ng Diyos
5 Gayundin naman, kung ang sinuman ay nakikipagpaligsahan sa palaro, kung hindi siya makikipagpaligsahan ayon sa alituntunin, siya ay hindi bibigyan ng gantimpalang-putong. 6 Ang nagpapagal na magsasaka ang dapat munang makinabang sa kaniyang mga ani. 7 Pakaisipin mo ang mga sinasabi ko at bibigyan ka nawa ng Panginoon ng pang-unawa sa lahat ng bagay.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International