2 Mga Hari 25:8-12
Ang Biblia (1978)
Giniba ang Jerusalem at ang templo.
8 (A)Nang ikalimang buwan nga, nang ikapitong araw ng buwan, na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor, na hari sa Babilonia, ay naparoon sa Jerusalem si Nabuzaradan na (B)punong kawal ng bantay, na lingkod ng hari sa Babilonia.
9 (C)At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari; at ang (D)lahat na bahay sa Jerusalem, sa makatuwid baga'y bawa't malaking bahay, ay sinunog niya ng apoy.
10 At (E)ibinagsak ang mga kuta ng Jerusalem sa palibot, ng buong hukbo ng mga Caldeo, na kasama ng punong kawal ng bantay.
11 At ang nalabi na mga tao na naiwan sa bayan, at yaong nagsihiwalay, na nagsihilig sa hari sa Babilonia, at ang labi sa karamihan, ay dinalang bihag ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay.
12 Nguni't iniwan ng punong kawal ng bantay ang mga (F)pinakadukha sa lupain upang maging maguubas at magbubukid.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978